Tuesday, November 29, 2011

Ikaw, anong pangarap mo?

Kelan at saan nagsisimula ang mga pangarap?

Iyakin ako.

Ako na daw ang pinaka-ngal-ngaling bata sa buong Pilipinas, sabi ng nanay ko. Walang patawad  na iyakan daw ang hobby ko nung araw. Maiwan lang saglit, iyak na. Mawala lang sindali sa paningin ang mga bantay, iyak na. Mamatay lang ang TV, iyak na. Mawala lang sa pang-amoy ang bote ng gatas, iyak na. Malaglag lang ang laruan, iyak na. Ewan, pero lubos na lubos ang alaga sa'kin. May tatlo akong yaya, dalawang lola, parehas na nanay at tatay at isang kawang tiyahin na nag-alaga sakin, pero ganyan pa rin daw ako nung bata ako. Ika nga ng mga kapatid kong lalaking mas matanda, spoiled ako--ang nagiisang kulasita, prinsesita, unica-hija ng pamilya.

Kala  ng mga teacher ko nung Kinder, mahiyain ako. Palibhasang di kasi ako umiimik sa klase at ang alam ko lang gawin ay tumili  ng "MOMMEEEEE!!!" o  kaya "ATE __(insert name of yaya here)_!!!!" 

Di lang nila alam, pinanganak na BIBO ako. Onaman, sumasayaw ako sa tuktok ng mga lamesa sa bahay, gumawa ng sarili kong cooking show at talk show, gumagaya ako ng mga commercial. Ako, MAHIYAIN??! Nakakahiya na nga ako eh! Pero hindi ako mahiyain. Hinding-hindi, ever.

Ang istorya, isinali ako sa Speech and Drama class nung Kinder. Akalain nyong walang  kaabog-abog, ako na ang nag-dedeclaim sa harap ng mga kaklase ko. Palibhasa, wala akong alam sa academics, kaya perform na lang ako. Una kong nameet si Tita Bong, ang pinaka-una kong Acting Coach. Matapos manalo sa mga inter-school contest at sa Little Miss School-whatever contest, na-excite ang mga magulang ko at ipinasok ako sa isang theatre company. NANG HINDI MARUNONG MAG-BASA. Tapos isinali na naman ako ng mga magulang ko sa isang Little Miss Noontime-show contest at nanalo ng Grand Prize.

Ako na ang nakarating sa tugatog ng tagumpay sa edad na sais (6).

Bakit ko ba ginawa ang mga bagay na yon sa edad na sais (6)? Ginusto ko ba? Ang depensa ng nanay at tatay ko:
1. Mahiyain at ngalngalin daw ako kaya kailangan ko magamit ang talent na yan para  mag-artista. 
2. Ginusto ko daw bilang mahilig naman ako sumayaw sa taas ng mga mesa at mag-pa-bibo sa mga bisita
3. Pangarap ng nanay ko na maging singer at dancer (bukod sa mag-suot ng puting uniform ng nurse), at dahil di nya natupad mag-Eat Bulaga eh ako na lang daw.
4. Eto lang daw ang alam kong gawin mula pag-silang. (PAGSILANG talaga)
5. Pangarap ko daw ito.

Pangarap ko daw ito. Sabi ng nanay ko, idol ko daw kasi dati si Lea Salonga at lahat ng paraan ay ginawa ko para gayahin sya. Di lang yon, ang higitan pa sya (taas ng peg). Andyan ang pag-aralin ako  mag-piano sa edad na 3, kumanta sa choir at ienroll sa 6 na voice coach, mag-sayaw kasama ang mga private dance choreographer, at mag-aral na UMIYAK ng maayos. 

Hindi ko natatandaan na pangarap kong mag-artista.

Ang alam ko, gusto kong maging titser. Tsaka bumbero. Minsan cashier. Pero teacher talaga, yun na yon. Nasa Kinder yearbook ko pa nga eh.

Kaya nagugulat ako sa  mga panahon na naging parte ako ng isang educational show. Di ko alam kung bakit ko ginagawa yon, pero ang alam ko simula't simula ng ginawa ko ang mga pinagagawa sakin, isa lang ang goal, ang maging magaling. Ang maging PINAKA-magaling sa lahat. Sa kung ano man ang ginagawa ko. Yan ang marching orders ng tatay ko eh, dapat PERFECT lahat. Perfect grades, perfect pitch, perfect emotion, perfect grooming, perfect lahat.

Hindi ko natatandaan na pangarap kong maging pinaka-magaling.

Ngayon parte na ng buhay ko lahat ng ginawa ko nung bata ako. At di ko maalis ang mga panahon na yon, at markado ako sa  mga ginawa ko dati. Eh ano ba naman ang YouTube, tinalo pa ang CD at Betamax at VCR sa paghalungkat ng mga kakatwang ginawa ko nung araw diba?! Alam na tuloy ng lahat.

Nagtatanong ang marami bakit hindi ko inaamin na ako yung..... lagi nilang nakikila bilang ako. Laging tanong, "Bakit hindi ka proud?" 

Sagot ko, "Hindi ko pinag-hirapan."

At hindi ko kasi ginusto.

Pangarap yon ng nanay at tatay ko.

Ang tanong ko, paano kung simula pagkabata, isang bagay lang ang alam mong gawin? Pero pano mo malalaman kung ang pangarap mo ay pangarap mo talaga at hindi pangarap para sayo ng iba?

Ang ibig sabihin ba, "disposable" ang mga pangarap? At nagbabago? Papaano kung hirap  na hirap kang abutin, at naabot mo na, pero sa huli, di ka pala masaya? Nasayang lang ba ang lahat ng ginawa mo?

Kailan nagsisimula ang mga pangarap? Paano sila natutupad? Ang katuparan ba ng pangarap ay ang tanging paraan para maging masaya?

Ikaw, ano ang pangarap mo?

Ako, hindi ko sigurado. At kung ang pangarap pala ng nanay ko ang inakala kong pangarap ko, ang lungkot lang non, 'di ba. Di ko alam kung saan ako lulugar.

Ang ibang tao siguro, guho na ang mundo at laslasan portion na dahil hindi nila alam kung ano sila, di nila alam kung saan sila pupunta, at di nila alam ang pangarap nila.

Para sakin, ito ang pinakamasayang panahon ng buhay ko. May pagkakataon akong mag-plano, gumawa ng mga bagay na di ko pa nagagawa, mag-kamali, mag-paka-ayos. 

Mangarap.


Yung totong akin.

Thursday, November 24, 2011

Marion.


AE extraordinaire, charm-school professor, part-time patron saint of weekday party-goers, week-end stay-in addict, little miss sunshine 2011, epitome of easy-breezy beauty, the embodiment of class, now professional jet-setter.

Oh, it will take at least a whole day to recount the wonderment that is Marion Manalo.

If you know this person well, you'd understand that he only aims for the best. He has a clear set of choices and he knows how to achieve them. He doesn't take it well if you waste his time; if he spends time and effort to attend to your needs, oh hey, you must be damn special. 

I don't know how people would react to this, but I feel a sense of entitlement because I spent my whole 2010 with Marion.


Allow me to indulge the reasons why my 2010 is the year of Marion in my life-book:
1. Marion was my charm-school professor. He dusted me off from the sidewalk of shame and heartache and transformed me into...what I am today. You should have seen me circa 2009, I was worse than Betty LaFea.
2. Marion was my nightfall. Oh, the adventures we had. Every night, after gym and work, I go to his condo and cry my heart out until he falls asleep and shoos me home. Or, sometimes, we hit spots around Makati and party till dawn. Marion was one of the reasons why I got over every effing break-up and rejection I had on 2010.
3. Marion meant Sundays.
4. Marion is comfort, in every sense.
5. Marion was Summer.
6. Marion encouraged me to always look for the better option, never settle for less, always aim high, always strive to be the best.
7. Marion is strength. Marion is grace under pressure.
8. Marion taught me the meaning of KEBS.
9. Marion is happiness in little things.
10. Marion taught me that it is indeed possible to fall in love with a city. (Makati. Or Hong Kong).
11. Marion is laughter.

For my last lesson, Marion made me understand what courage, risk, sacrifice and dreams really mean.

I learnt all these from him in a year. I carry a lot of him in me everyday, and this is precisely why I'd feel that he's just around even though he's gonna be in Hong Kong.

Ah, well, much better that he'll be in HK. What a fabulous class room it will be for me and my jiao shou (professor). Can't wait for the new things that he'll share with me. :)

But I sure think that he deems me a very good charm-school student, it's because I take after him in so many ways.

I pretty well feel damn special, in deed.