The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath.
And emeralds from mountains thrust toward the sky
Never revealing their depth.
Noong huling Sabado mo ito, Johnie. Ito ang huling sabado na nagkita tayo. Pinakanta ko sa'yo yan. Ikaw lang ang nag-iisang taong maaalala ko kapag narinig ko yan. Saktong-sakto sa boses mo, parang mas magaling ka pa kay Edwin Mccain.
Tell me that we belong together,
Dress it up with the trappings of love.
I'll be captivated,
I'll hang from your lips,
Instead of the gallows of heartache that hang from above.
Sabi mo, sabay-sabay tayong aalis. Sabi mo, magiging magkapitbahay lang tayong lahat. Napag-usapan natin na masarap siguro kung sa isang lugar lang tayo nakatira, at mas masaya kung kapag Sabado, makakagimik tayo. Sabi natin noon, kapag marami na tayong pera, magto-tour tayo madalas.
Pero syempre, may mga nauna na. Ikaw naman ngayon.
I'll be your crying shoulder,
I'll be love's suicide
I'll be better when I'm older,
I'll be the greatest fan of your life.
Mami-miss kitang awayin. :) Mamimiss kong magtampo sayo tungkol sa hindi mo madalas pag-kita sa akin. Mamimiss kong maasar dahil parang nalilimutan mo na ko. Mamimiss ko na nagagalit ako na hindi tayo makapag-set ng maayos na dalaw kay Sheila.
And rain falls angry on the tin roof
As we lie awake in my bed.
You're my survival, you're my living proof.
My love is alive -- not dead.
Mamimiss ko yung mga kwento ng mga kalokohan mo. Mamimiss kitang dramahan. Mamimiss kitang deadmahin kapag nagkukwento ka ng latest conquests mo, at mamimiss kong ma-high-blood kapag may napasukan ka na namang kaguluhan (haha). Mamimiss ko yung madalas na sinusubukan natin gumimik pero madalas hindi tayo napapapasok (Embassy at Cream).
Tell me that we belong together.
Dress it up with the trappings of love.
I'll be captivated,
I'll hang from your lips,
Instead of the gallows of heartache that hang from above
Grabe, Johnie. Dami nating napag-daanan. Naiisip ko lahat mula 1st year college hanggang ngayon. Naabutan mo mula nang magka-ligawan kami ng first boyfriend ko hanggang madiskubre ko ang mga nangyari sa last boyfriend ko. Nakita mo lahat ng panahon na nadurog ang puso ko, nagloko at nagpaka-basag, nag-getover at nag-pakatino. Kilalang-kilala mo na ako, siguro. Nakita mo ko mula nang kolehiyala, over-all palengkera, bum, Asian tele nurse, PR person, pakawala, tapos media. Nakita ko rin lahat ng pagbabagong sinuong mo. Nakita kita kung paano kang magmahal, manghina ang loob, masaktan, magpaka-bano, mag-paka-ayos.
And I've dropped out, I've burned up, I've fought my way back from the dead.
I've tuned in, turned on, remembered the things that you said
Mas mahirap na para sakin ngayon tuwing Sabado, Johnie. Malalim ang ibig-sabihin ng bawat Sabado sakin. Alam mong espesyal sa akin ang weekends. Madalas, kapag Sabado, tatlong lang ang naiisip kong gusto kong kasama, idag-dag mo pa si Jan. Ano pa't naging Saturday Club tayo kung wala ang club members ko, diba? Mayroong 53 Saturdays sa isang taon, bale 106 pang Sabado ang di kita makikita kasi dalawang taon ka dyan. Ang hirap non, Johnie.
I'll be your crying shoulder,
I'll be love's suicide
I'll be better when I'm older,
I'll be the greatest fan of your life
Di ko na mahintay na mag-two years na. Sana, makapag-Vigan tayo ulit. Or maka-gimik ng Sabado. Or maka-pag-Wensha ng Linggo. Sana, andito ka sa susunod na madurog ulit ang puso ko dahil sa isang guy. Sana, madali kitang matakbuhan ulit kapag pagod na pagod na ko sa trabaho. Sana kasing lapit lang ng Paranaque ang Canada, at sana kasing dali lang bumisita na tulad ng pagkikita natin sa Robisons Midtown or sa Greenbelt.
I'll be your crying shoulder,
I'll be love's suicide
I'll be better when I'm older,
I'll be the greatest fan of your life.
Dibale, Johnie. Magkikita tayo ulit. 24 pa lang tayo, at alam kong maraming paraan para magkasama tayo ulit, napakabata pa natin at marami pang taon na darating. At para sa akin, may 106 weeks ako para mag-ipon ng pamasahe papunta dyan, or ipag-buti ang sarili ko para makapagtrabaho ng mas malapit sa inyo ni Hanna. May 106 ka rin para mag-ipon ng sobrang daming pasalubong samin ni Jan at ni Sheila, or para mag-ipon ng pang-host sa akin pag dumalaw ako sayo.
Eto ang unang Sabado na wala ka sa Pilipinas, Johnie. Ah, bale 105 Saturdays na lang pala ang hihintayin ko.
Bibilang ako, hanggang pagbalik mo. Mahal kita.
I'll be the greatest fan of your life.
No comments:
Post a Comment